We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

tara

by Yano

/
1.
ako 04:46
hindi ko alam kung bakit ka galit dabog ka ng dabog lumilindol, umaalog away ng away aksaya ng laway hindi na nag-uusap kaya din a masarap chorus gusto mo ba ako ayaw mo ba ako ako’y nalilito nabasag sa mukha ko ang hinagis mong plato muntik pang mabulag hindi nakailag katok ‘ko ng katok hindi mo pinapasok sa loob ng kwarto ang sakit sa ulo (chorus) pagod na ako gusto kong magpahinga ang tagal ng ganito kelangan kong makahinga magpapahangin sa dabaw o camiguin a gusto kong kumawala a gusto kong makawala (chorus)
2.
tara laro tayo ng baril-barilan magkalaban tayo ratratan ng machine gun tara laro tayo ubusan ng bala mag-away pa tayo hagisan ng granada me inang me kargang anak me batang hubo umiiyak chorus: habulan, taguan kahit saan tara laro tayo sabugan ng tangke maggyera pa tayo tirahan ng base tara laro tayo ng tora-tora magdigmaan pa tayo palakasan ng bomba
3.
tara 04:44
tara tara laro tayo ng baril-barilan magkalaban tayo ratratan ng machine gun tara laro tayo ubusan ng bala mag-away pa tayo hagisan ng Granada me inang me kargang anak me batang hubo umiiyak chorus: habulan, taguan kahit saan tara laro tayo sabugan ng tangke mag-gyera pa tayo tirahan ng base tara laro tayo ng tora-tora magdigmaan pa tayo palakasan ng bomba
4.
kaklase ko si lotlot di makasagot sa sobrang takot ke ser kilabot hinampas sa ulo ng libro ng bio hinampas, hinampas kaklase ko si noknok inaantok sinapok sa batok pinalunuk ng chok pinalibot sa quadrangle pinaikot hanggang mag-bell pinalibot, pinaikot kaklase ko si kit di nagpagupit di pa nag-ahit kinurot sa singit pinalabas sa kwarto pinatabas ng damo pinalabas, pinagtabas kaklase ko si mamaw me tato, me hikaw binilad sa araw parang kalabaw pinagwalis ng basura pinaglinis ng kubeta kaklase ko si sam wala raw syang alam binagsak sa exam sa isandaan syam minura ng minura kick out sa eskwela
5.
war 03:47
I see the black sky like bullets they purify I see them see the color red and we stared nowhere as we fled
6.
mercy 04:25
isang marusing na babae na tinubuan ng bigote kinakausap ang sarili o sinumang makatabi (chorus) nasaan ka na kaya mercying makata san ba gumagala ba’t bigla kang nawala parang bula mangungulit, mang-iistorbo manghihingi sa ‘yo ng piso kapalit nito’y isang tula sinulat nya sa palara (chorus) sya’y walang awang ginahasa simula ng kanyang di paglaya nawalan ng tino sa kahihiyan pangarap nya’y din a nasundan (chorus)
7.
abno 04:35
abno, abno na ang bundok wala, wala na syang buhok abno, abno na ang puno wala, wala na syang puso abno, abno na ang ibon hindi, hindi na sya balbon abno, abno na ang gubat wala, wala na syang ugat chorus abnormal environmental abno, abno na ang isda wala, wala na syang mukha abno, abno na ang batis hindi, di na mabubuntis abno, abno na ang laot hindi, di na masisinghot abno, abno na ang hangin di na makakain (chorus)
8.
me mamang me hawak ng itak me inang me kargang anak me batang hubo umiiyak sa daang lubak nakayapak me lolong nagkukwento sa apo me lola naming nananabako me nag-iigib sa poso me mga naglalaro ng patintero chorus ang kulay-kulay ng buhay ko noon me kubo sa gitna ng bukid kumakaway ang palay sa paligid naririnig ang tinig ng kuliglig nanginginig sa hanging malamig (chorus)
9.
going home 04:28
I can see you going home I can see you all alone where’s your family do you belong? how long have you been here? I know there’s something wrong something wrong how do you get sound sleep when all you hear are sounds of engines passing by you? how do you get sound sleep when all you see are people staring at you chorus under the flyover going home
10.
shobis 01:59
36-24-36 bang vital statistics matangos ba ang ‘yong ilong walang peklat o kurikong hindi pustiso ang ipin walang putok, walang puson makinis ang balat walang marka ng tagyawat marunong ka bang magdrama sa harap ng kamera meron ka bang kakilala sa loob ng kompanya handa ka bang mag-mini o kaya’y magbikini sayaw ka lang ng ecstasy baka maispatan ng sugar daddy chorus: mis byutipul sisikat ka dadaming pelikula pipilahan sa takilya yayaman ka magkakapera luluwa ang mga mata sige na maghubad pa seksi-seksi talaga mis byutipul audition na sunod ka lang ke mader por sure she will take you der ngiti lang sa reporter wag magtaray, watch your maner lalabas ka sa tibi to promote your mubi sayaw ka lang ng ecstasy baka maispatan ng sugar daddy
11.
isa 02:35
isang aso, isang oso isang baka, isang kalabaw isang kwago, isang kuneho isang buwaya, isang tamaraw isang loro, isang lobo isang pusa, isang usa isang uwak, isang bayawak isang sawa, isang agila chorus: isa, nag-iisa tapos ubos na ano, wala na wala na, ni isa isang pato, isang pabo isang leon, isang kilyawan isang pugita, isang balyena isang dugong, isang pawikan isang tigre, isang page isang kabayo, isang baboy damo isang bubuli, isang elepante isang tsongo, isang tao

about

credits

released December 25, 2013

yano.ph

license

all rights reserved

tags

about

Yano Davao City, Philippines

yano.ph visit our official site.

contact / help

Contact Yano

Report this album or account

If you like Yano, you may also like: